Haaayyy…Eto nanaman ako at nakaharap sa computer koh… Well, ganito tlga ko…pag feel ko mag-blog, ayun nah! :-)
Dami kong natutunan these past few days… or a week before my birthday, and 4 days din after ng birthday ko…
Tuwing darating ang birthday ko, excited tlga ako… andyan yung tuwing gigising ako, nireremind ko sila mama by saying na ‘Birthday ko na!!!’ hehehe! Natatawa nga sila sakin kse para daw akong bata. Excited sa birthday. Ang tagal-tagal pa naman daw! :-)
Tapos nagpaparinig na ko sa kanila about the things na gus2 ko ibigay nila sakin. :-) syempre… GIFTS!!! I love surprises kse tlga! Kahit simple things lng, happy na ko! Kaya sa lahat ng pumunta nung birthday ko, SALAMAT! :-) Presence nyo pa lng, ok na. Lalo na kay joan na medyo nilalagnat pa, pero nag-effort tlga na makapunta. ;-) Ang sweet! :-)
Sabi ko dami ko natutunan before my birthday dba? Well, eto yon… Ilang days bago dumating ang October 3, na-stroke si Tiya Maring. Tita sya nila mama, na lola ko na, and sabi ni mama sya din daw tumulong sa pag-aalaga sakin noon…
Sa ospital ng maynila sya dinala. Friday lng ako nakadalaw noon. Ok naman, medyo nakakausap ko pa sya. Sa room na yun, 5 patients ang nandon. Maawa tlga ang lahat ng dadalaw kse bakas sa mukha ng lahat ng pasyente ang karamdaman at kahirapan. Iba’t-iba ang kinakaharap na problema. Mayroong mga nakauwi na at mayroon naman akong nakita na hinihintay na lng daw ang oras nung isang pasyente doon. Sabi nung isang manong, iuuwi na lng daw nya yung tatay nila at wala na rin naman daw pag-asa at pambayad sa mga gastos. Hindi nila kakayanin. Wala daw pampagamot. Tanggap na daw nila. Nalungkot ako kse bakit kailangang maging problema ang pera? Bakit yung ibang mayayaman pag nagkakasakit, nasasagot lahat ng kelangan. Hindi nila problema ang pera? Ang mahihirap naman, ‘oras’ na lng daw ang hinihintay. Wala na daw pag-asa…
Kung iikot ka sa ospital na yun, malalaman mo kung ano ang kulang. Mapapaisip ka kung san napupunta ang ‘tax’ na binabayaran ng masa… Na kahit yung maliit na sweldo na lng eh binabawasan pa…
Bakit kung alin pa yung mga dapat pinapahalagahan, pinapaayos at pinapaunlad, yun pa yung binabalewala? Kung tutuusin, hindi naman tlga mahirap ang Pilipinas eh…Sagana nga tayo sa resources and matatalino pa ang mga tao dito…madiskarte! Ang problema nga lng e yung ‘diskarteng’ yun ay ginagamit sa maling paraan… O sabihin na lng natin ang lakas tlga ng pangungurakot dito? Wala naman akong balak mamulitiko or makialam sa kanila, FREEDOM OF SPEECH lng ito! :-)
Isa pang issue… karamdaman… Kahit kelan, hindi ito ang naging ‘will’ ni Lord para sa’tin. Nakakalungkot pag may mga taong nagsasabi na “Nagpapasalamat ako sa sakit na ito na ibinigay ng Diyos, upang ako’y bigyan ng leksyon at matuto.” Whaaatttt??? Kung tayong mga tao nga nasasaktan pag napagbibintangan tayo sa isang bagay na hindi naman natin ginawa, e si Lord din noh! Sino ba namang Ama ang maghahangad na mahirapan ang kanyang anak? Sa mga latay ni Hesus, tayo ay magaling na!
Ang dami-daming good things ang inaalok ni Lord sa’tin. Puro Perfect Will lahat. Lahat na nga lng ng ginawa Nya ay para sa kabutihan natin. God is good tlga!
Kaya kami ni Mama, pinag-uusapan namin ito. Ano nga ba gagawin namin? Kay Tiya Maring? She’s 83 yrs old. Pero we’re believing for God’s best! Sa financial provision and maayos na condition ni Tiya Maring. Not just Healing but Divine Health!
Dumaranas man kami ng hirap sa sitwasyon na ito, alam namin na we can rest in the ‘Finished Work’ of Jesus!
Isa pang natutunan ko ay yung pag-depend kay Lord pagdating sa finances…
Well, I honor God with my tithes and sow my best seeds but I must admit na when it comes to ‘believing’ God for a hundred-fold return, don ako medyo…alam mo na…
Siguro kse nasanay ako na magdepend sa parents ko at sa salary ko kapag material things na ang pinag-uusapan.
Praise God for the Word! God is dealing with me nga sa issue na ito. Patuloy akong binabago…
Narealize ko tlga na patuloy pa rin kaming bine-bless ni Lord… Totoo, may “need” kami ngayon pero nakita ko ang Faithfulness ni Lord.
Ibang klase tlga! :-)
Isa pa… kanina after ng youth service, kinausap ako ni Ate Ruth… Sabi nya kelangan nya ang commitment ko sa Sunday Faith Group namin…Pwedeng ako ang magturo pag wala sya...ganon ang mangyayari... FYI po sa mga di nakakaalam kung bakit big deal sakin ito… kse nga po ang tagal ko rin nawala sa youth and ngayon member na lng ako ng faith group and young pro ministry namin. In short, umalis ako sa leadership… lumayo ako sa mga responsibilities… naging selfish ako…sarili ko lng inisip ko…naging emotional…natakot…
Pero lately nga, nararamdaman ko naman na God is talking to me… He wants me to go back where he has called me… sa ministry kung san ko Sya nakilala…kung san ako nag-grow… kung san ko nalaman na buhay Sya at totoo!
Pero lagi akong nagdadahilan… “Lord ang hirap bumalik eh…” “hindi na ko bagay doon…”
Minsan natatanong ko Sya… “Lord, bakit sa kabila ng lahat nandito pa rin ako?” Bakit nandito pa rin ako sa church na ito? Bakit hindi ko kayang umalis dito? Bakit hinahanap ko pa rin yung mga bagay na dati kong ginagawa para sa Inyo?” “Bakit hindi ko kayang lumayo sa Inyo?” Bakit kahit san ako magpunta, nandoon Ka?”
“Dahil ito ang buhay mo…”
“AKO ang Buhay mo…”
Habang sinusulat ko ito, umiiyak na talaga ako… Sa mga katagang pinaniniwalaan ko na galing sa Kanya, hindi ako makapagsalita.
Natutuwa ako sa pag-uusap namin ni Ate Ruth kanina. Hindi nga ba’t matagal ko nang hiniling kay Lord na gamitin Nya ko ulit?
No comments:
Post a Comment