Hi! Magkukwento lng ako ha... :-)
Kakaiba ang mga araw na nagdaan...(Naks!parang seryoso,hehehe) ewan ko ba pero lately kse parang naging consultant ako ng mga taong may problem sa love life nila. Ilan sa mga friends and officemates ang nagtatanong sakin about this... so syempre, super payo naman ako. hndi ko nga alam kung bkit sakin pa sila nagtatanong, eh wla naman ako masyado alam or experience dyan. Pero sbi nga, hndi ko naman kelangan magdaan sa matitinding heart problems para makapagpayo ng maganda, kse the WORD OF GOD is enough.:-) At magandang opportunity ito to share the love of God. Ok naman kse nakikinig sila.
Pero di nagtatapos doon, kse kapag tapos na sila bigyan ng payo, may mga follow-up questions naman sila... ganito... "kaw Aiza, bakit wla ka pang bf?" at meron pa... "Wla ka bang balak?"..."May minamahal ka ba ngayon?"...
Grabeh! pati mga cousins ko at kapitbahay namin ito ang tanong sakin tuwing nakikita nila ako. :-) Alam nyo, pag tinatanong ako about this, hndi ako nagbibigay ng malinaw na sagot... laging "Ah basta"...o kaya naman "Secret!"... "Eh, ayoko pa po"... Dati kse ayokong magsalita tungkol dito, kse bka di ako maintindihan ng tao... kse nga naman dapat daw sa age ko, meron na. :-)
Pero ngyn pwede ko na sagutin yang mga tanong na yan... At ito ang nilalaman ng puso ko...
Hindi naman ako takot magmahal.Wla na yon!And syempre may nagugustuhan din akong tao. Pero ang alam ko ngayon, hndi pa ko ready. :-) Kse i'm enjoying this precious moment of my life eh. "SINGLENESS!" Ang dami ko pang gustong gawin, gusto ko si LORD JESUS ang maging number 1 sa buhay ko.Maging complete kahit wla pa si "mine" ("mine" kse ang gus2 ko itawag sa kanya.hihihi) At gus2 ko ganon din sya. Kse kung hindi pa, it means na di pa kmi dapat pumasok sa isang relationship. Ang sarap kaya ng feeling na yung partner mo ay pareho kayo ng purpose sa buhay. Yung pareho kayo ng itinitibok ng puso :-) And that is to love God forever!
Ayoko kse mangyari na iikot lng ang mundo namin sa isa't isa... Yung tipong wla ka nang inisip kundi siya na lng... hndi ka na mabubuhay ng wla sya... AYOKO non! hndi maganda yun...
I just wanna make sure na bago ako pumasok sa isang commitment, dapat rooted and planted tlga ako sa WORD, and si LORD ang number one at hndi si "mine". Kaya i'm using this period of my life, para maggrow pa and madevelop ang character :-)
Kaya ayan, nageenjoy tlga ko ngyn!:-) And alam ko, in GOD's perfect time, magiging ready na ko sa pagdating ng taong yun.:-) Man of Integrity... A man after God's own heart! (Ay grabeh,medyo nagba-blush ako ngayon sa sinasabi ko,hihihi! Hndi kse ako masyadong nagsasalita tungkol d2, ngayon lng tlga!)
Pero ito tlga ang mga naiisip ko ngyn! Iba tlga kapag sumunod tayo kay LORD. Laging tama ang decision! And ang result? Syempre, the BEST! :-)
Hindi ko po ito sinasabi para magmuka akong "spiritual" masyado... sinasabi ko ngayon kse ito tlga ang nasa isip ko... at laman ng puso ko...promise! :-)
Ang mga "kilig moments" kse na yan ay panandalian lamang... hndi mo masasabi na yung nararamdaman mo sa tao ngyn ay ganon pa rin after ilang years... Mahirap bigkasin ang mga salitang "mahal kita" sa taong di ka sure kung siya na nga tlga... Kaya dapat ipagpray at kilalanin maigi! :-) (Thank you Ate Mai, Ate Ruth and Bes Maydz! kayo po ang inspirasyon ko pagdating sa ganitong bagay)
Ang sarap mabuhay!!! :-)
*********************
Yesterday, nakachikahan ko ang aking boss! At napagusapan namin ang tungkol sa work ethics ng mga tao dito sa office. :-) Ang dami nga daw magagaling pero may attitude problem naman... Sbi pa nya, may mga taong pinanghihinayangan kapag umalis, meron naman na ok lng :-) In this conversation, dami ko natutunan!yehey! Dapat din mahal mo ang work mo and mahal mo rin ang mga clients nyo :-)
Gusto ko tlgang maging magaling na systems analyst! pero hndi lng bsta magaling, mabait at mapagmahal din na analyst! :-) Naalala ko tuloy yung boss ko sa EPCIB... Grabeh! I look up to her kse tlga pagdating sa s.a.d... Hndi lng sya basta magpoprovide ng malupit na system, kundi minamahal din nya ang mga end users... Meaning, lahat ng ginagwa nya ay para maibsan ang hirap ng mga tao sa manual processing, and at the same time, maimprove ang production. Kakaaliw tlga si ma'am! Talagang nasa puso nya ang line of work na pinili namin! :-) At gusto ko maging ganon din ako. :-) IN JESUS NAME!
*********************
Namimiss ko na ang kuya ko... Haaayyy kuya kelan ka ba tatawag ulit?Dami ko kukwen2! :-)
**********************
Nababawasan na ang aking mga KUYAs dito sa office... Three KUYAs na ang nagresign eh... Mamimiss ko po kayong lahat...Thank you sa lahat ng tinuro nyo sakin and for making me a better person...for teaching me to be independent... thank you mga mentors ko sa IT! (Sir G, Kuya Aldous and kuya Eric)
*********************
Cge tama na muna ito, magpoprogram pa ko eh!hehehe! God bless! :-)
No comments:
Post a Comment